Image result for importation philippines

Isa sa mahalagang mayroon ang mga foreign investors ay ang pagkakaroon ng legal services team dito sa Philippines kung gusto nila na matiwasay na makapag pasok ng mga goods para sa expansion ng kanilang commercial business. Mayroon tayong tinatawag ng Trade Barriers; sa economics, ito ay may tatlong anyo—tariffs, non-tariffs, at quota.

To over simply, ang tariff ay taxes para sa mga pumapasok na imports. Ang non-tariffs ay requirement na bukod pa sa tax katulad ng quality or content requirements (isang halimbawa ay ang Halal-certification ng mga pumapasok ng food items sa karamihan ng Middle Eastern na bansa). Quotas naman ay isang trade barrier sa dami at monetary value ng bagay. Halimbawa nito ay ang quota sa pwede lamang i-import na kanin mula sa ibang bansa dito sa Philippines na natanggal dahil sa ipinasang RA na Republic Act (RA) No. 11203 or “An Act liberalizing the importation, exportation, and trading of rice, lifting for the purpose the quantitative import restriction on rice, and for other purposes”.

Bukod dito ay may iba pang mga batas na pwedeng ma-consider din na trade barrier kung kaya’t kailangan ng legal services para sa mga foreign investors na gusto ng proper penetration sa Philippine market. Ito ang ilan sa mga nasabing batas.

Excise Tax

Mula ng 2013, ang mga distilled spirits, wines, at fermented liquors ay pinatawan ng dagdag na buwis na burden ng end consumer. Itong tax ay tumataas kada taon mula ng 2013 at may goal na tumaas ng 4% bawat taon. Bukod sa alak, kasama rin ang tobacco at petroleum products.

Import Requirements for Processed Food Products

Lahat ng pagkain na pumapasok sa bansa in commercial quantities ay dapat pumasa sa requirements ng Food and Drugs Administration of the Philippines (FDA). Classified ang mga products into Low Risk, Medium Risk, at High Risk, depende sa kakayahan ng food item mag-harbor ng pathogen at toxin. Ang mga products ay kailangan ma-test ng FDA bago pahintulutan na ipasok for commercial sales.

Plant, Meat, and Poultry Regulations

Ang mga plant products ay kailangan dumaan sa phytosanitary quarantine at ang mga meat products ay kailangan ng Veterinary Quarantine Clearance certificate.

Biotechnology-Derived Products

Mula pa ng 2002, ang Department of Agriculture ang naglagay na ng regulation sa pumapasok na mga products na genetically  modified (GMO). Maari lamang papasukin ang mga genetically modified products matapos silang pumasa sa satisfactory risk assessment.

Pharmaceutical Products

Kailangan din ng License to Operate at Certificate of Product Registration bago payagan ang mga pharmaceutical products na ma-distribute sa bansa. Ito na nasesecure sa FDA.

Bukod sa mga ito, ang mga products katulad ng cosmetics, urbanized hazardous substance katuld ng insect sprays, at iba pang health and beauty products ay kailangan ma suri ng FDA. Para sa mga bagong products, mahalaga talaga na may legal services partner ang foreign investors para sa pag-aangkat sa Philippines katulad ng pag penetrate ng bagong nauuso at sinasabing mas sustainable na Beyond Burger at pagpapahintulot ng mga pork products mula sa ibang regions ng Asia katulad ng Mah Ling.